Hugot
Sabi ni Tata Nanding, ang aking butihing maestro sa pag-arte, ang tamang technique daw sa pagpapakita ng anumang emosyon ng karakter na aking gagampanan sa entablado ay ang pagpapalabas ng tunay na nanggagaling sa dati ng aking napagdaanan. Kaya nga’t sa bawat pagpitik ng emosyon ng aking karakter, dapat daw ay hugutin ko ito, hugutin mula sa naimbak, naitambak, naisalaksak na ng panahon sa aking kaibuturan. Sa totoo lang, nakaka-stress ang technique na ito ha. Aba, unang-una, karamihan kaya ng mga pinapahugot niyang emosyon ay iyon pang gustung-gusto ko ng kalimutan. Kesyo humugot daw ng pakiramdam na nakakatakot, tapos
Posted 3 weeks, 2 days ago | no comments | Filed Under: Culture & Literature, Floating thoughts read on

